7/09/2013
Questions we should've asked Lee Min Ho

Lee Min Ho, nasa Pilipinas para sa isang concert!

Lee Min Ho, nakakain ka na ba ng balut?

Lee Min Ho, anong masasabi mo sa mga Pinoy fans mo?

Lee Min Ho, babalik ka ba sa Pilipinas?

Lee Min Ho, may girlfriend ka na ba?

Lee Min Ho, meron ka bang ina-admire na Pinoy celebrity?

"Uhh, Jessy? Jessy Mendiola? Jessy Mendiola, yes."

Ang reaksyon ni Jessy Mendiola sa paghanga sa kanya ng Korean heartthrob na si Lee Min Ho... tutukan!

 "Uhh, I'm flattered. Of course I admire him too."

Korean heartthrob Lee Min Ho, makakatambalan si Jessy Mendiola sa isang pelikula!

"Kinakabahan po ako! Siyempre he's a famous Korean superstar, kakabahan talaga kahit sino. Tao lang naman po ako."

Lee Min Ho at Jessy Mendiola, nahuhulog na nga ba ang loob sa isa't isa? Tutukan ang mga eksena sa shooting ng kanilang bagong pelikula!

"Okay naman po kami. Professional po kami sa set. Masaya siyang katrabaho."

Jessy Mendiola, anong ginagawa ninyo habang walang eksena?

"Wala naman, nag-uusap lang kami. Masaya siyang katrabaho."

Huling araw na ng shooting ng pelikula nina Jessy Mendiola at ng Korean heartthrob na si Lee Min Ho! Kamusta na sila sa set?

"Mamimiss ko siyang katrabaho. Ang thoughtful niya. Napakasweet."

Lee Min Ho at Jessy Mendiola, may namumuo na nga bang relasyon?

"Friends lang po kami."

"Yes, we're just friends."

"Sinamahan ko lang siya sa airport pabalik ng Korea."

Lee Min Ho, bilib sa talento sa pag-arte ng mga artistang Pinoy!

"Yeah, they're good. Very good."

Lee Min Ho, binigyan nga ba ni Jessy Mendiola ng send-off gift bago siya umuwi sa Korea? Nagpapatrol, Mario Dumaual.

(Credit goes to Dexter for the tweet that started our conversation, which ultimately led to this blog entry. Some of the words here are his.)

And your responses...

Post a Comment