10/08/2013
Hypocrisy is not an impeachable offense

"Their style is DOM. They deny, they obscure, they misdirect. That's what they do. They distract from the issue, so they are DOM."
-- Presidential spokesperson Edwin Lacierda, addressing those who question the legality of the Disbursement Acceleration Program

"When he was at the Senate, there was the fertilizer fund scam, the NBN-ZTE, many other corruption cases were tackled by the Senate Blue Ribbon but he was quiet. Where was his, 'Kung bad ka, lagot ka?'"
-- Edwin Lacierda, questioning the motives of former senator Joker Arroyo in questioning the DAP

"Ang dapat pagtuunan ng pansin ni Robin Padilla - and with all due respect to Robin Padilla - is, like what we’ve been saying, bilang isang mamamayan, ang tanungin natin sa bawat mambabatas, sa bawat government official: paano niyo ginamit ang kaban ng bayan? Ikaw ba ay nagnakaw?"
-- Edwin Lacierda, addressing Robin Padilla's calls for Senator Franklin Drilon to step down for his involvement in the DAP

"We do want to point out that we have no problem when citizens take to various fora to enable to... sorry, in order to be able to express their grievances and, to this point, we understand kung bakit po merong outrage. Talagang lahat… we all share in the passion and the anger because of revelations that the pork barrel has been misused."
-- Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, giving Malacañang's reaction to the anti-pork barrel rallies

"May isang administrasyon na pinagdudahan ang mandato, at kinasangkapan ang kaban ng bayan para mang-abuso. May isang pangulong kinuntsaba ang lahat ng makikikuntsaba para manatili sa kapangyarihan. May mga mambabatas na lasing sa suhol at transaksyonalismo; may burukrasyang nakipagsabwatan; at nagtagumpay dahil sa mga mamamayang namanhid at nagsawa nang humiyaw, dahil sa pakiwari nila’y wala namang nakikinig."
-- President Noynoy Aquino, blaming former president Gloria Arroyo for the pork barrel scam in a speech to businessmen

"Ang tanong: ito ba ay ginamit sa tama? Pangalawa, ito po ay dahil sa mababa ang spending program kaya naapektuhan ang ating GDP. May masama po ba kung ito ay pinagbigyan kung sa tama naman ginamit?"
-- Senator Franklin Drilon, upon admitting that he received P100 million from the DAP

"There were hundreds of people there. It's no big deal."
-- Communications secretary Ricky Carandang, saying that the revelation photo of Noynoy Aquino and Jeane Napoles during an event does not mean he knows Janet Lim Napoles

"Talagang ang Makabayan bloc, wala nang ginawa kundi punahin, i-criticize ang government. But we will do the right thing. Wala kaming pakialam sa sinasabi nila."
-- Edwin Lacierda, on the progressive Congress bloc's allegations that Janet Lim Napoles' surrender to Noynoy Aquino was staged

"Nakita natin sa mga ulat na lumabas nitong mga nakaraang linggo: kailangan pa ng mas malaking pagbabago upang labanan ang mga talagang pursigidong abusuhin ang sistema. Panahon na po upang i-abolish ang PDAF."
-- Noynoy Aquino, announcing the abolition of the current form of PDAF in a televised statement

"Itong mga bagong lumabas, tatanungin po natin si Secretary Alcala tungkol diyan. Lahat po ito, sabi naman ni Secretary Alcala handa siya magpaliwanag."
-- Edwin Lacierda, on a newspaper report tagging agriculture secretary Proceso Alcala in the pork barrel scam

"Saan ba tayo nagmula? Kung may agam-agam kayo ngayon, ano ba naman ito kumpara sa agam-agam natin noong 2010? 'Di ba’t masaya na tayo noon na tapos na ang panahon ng kadiliman? 'Di ba’t noon, sapat nang mapalitan ang mga nasa kapangyarihan?"
-- Noynoy Aquino, during his State of the Nation Address in 2013

"Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inireklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero masakit nga ho, may gana pang hiritan ng nagpamana?"
-- Noynoy Aquino, attacking former vice president Noli de Castro in a speech marking the 25th anniversary of the latter's newscast, TV Patrol

"Siyempre may presumption naman of innocence until proven otherwise."
-- Noynoy Aquino, on reports that his friend, former DILG undersecretary Rico Puno, raided the offices of late DILG secretary Jesse Robredo to obtain documents against him

"Ginoong Corona, sana naman po ay huwag n’yo na kaming paikutan. Alam naman namin kung bakit ka isiniksik ni Ginang Arroyo sa Korte Suprema: iyan po ay para pagtakpan ang katiwalian niya. ‘Di ba nagsimula lang naman ang lahat ng ito nang muntik ka nang magtagumpay na patakasin si Ginang Arroyo?"
-- Noynoy Aquino, attacking former chief justice Renato Corona as he faced impeachment

"This is all high drama. They want the public to sympathize with them."
-- Edwin Lacierda, on Gloria Arroyo's attempts to leave the country after the Supreme Court determined she can seek medical treatment abroad

"We are not sure exactly what the negative effects of the world's economic turmoil will have on us since it is still a developing story. But P72 billion will have its own multiplier effect and this pump primes the economy to that extent."
-- Noynoy Aquino, unveiling an expenditure package that will stimulate the Philippine economy as the world's economic powers slow down, during an event by the FOCAP

"Kayo po ba, gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin."
-- Noynoy Aquino, during his second State of the Nation Address in 2011

"Kayo ang boss ko, kaya't hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo."
-- Noynoy Aquino, during his inauguration speech in 2010

And your responses...

Post a Comment