6/04/2018
Para sa bayan. Para kay Digong.

Hay, ito na naman 'yang mga hater na 'yan. Mga walang ibang ginawa kung 'di kumontra ng kumontra. Mga puro reklamo. Mga putang ina.

Bahala kayo diyan. Ngumawa na lang kayo ng ngumawa. Wala naman kayong magagawa. Kahit anong pilit ninyong ipasok ulit diyan 'yang putang inang Noynoy na 'yan, wala kayong magagawa. Leni? Putang ina. Pekeng bise naman 'yan. Ipinakulong na namin si de Lima. Ipakukulong namin si Sereno. Si Trillanes. Si Drilon. Si Kiko. Ipakukulong namin si Noynoy, pati si Leni, pati 'yung mga anak niya, dahil sa katarantaduhang ginawa nila sa bayan.

Sa totoo lang, naaawa kami sa inyo. Hindi namin maintindihan kung bakit hindi ninyo maintindihan. Sabi ninyo mahal ninyo ang Pilipinas, pero bakit kayo kumakampi sa kurakot, sa masama? Bakit ninyo pinagpipilitan na ibalik 'yung nakasama sa bayan? Mahal ninyo ang bayan? Pabayaan ninyo na manaig ang tama!

At ano ang tama? Hindi tama 'yang Dengvaxia na 'yan. Hindi tama 'yang DAP na 'yan. 'Yang Yolanda, 'yang Mamasapano, 'yang pandaraya sa eleksyon, hindi tama 'yan. 'Yang "tuwid na daan", isang malaking kalokohan, isang malaking kagaguhan, isang malaking kasiraan sa bayan. Mag-sorry nga, hindi niya magawa. Mahirap bang mag-sorry? Mahirap bang mag-sorry sa pinapatay niyang mga taga-Hong Kong?

Ang tama, 'yung nagso-sorry. Klaro ngang nagkamali. Bakit mo ba naman ipapapatay 'yung bumibisita lang dito? Si Digong, nag-sorry. Humingi ng tawad. Pagpunta ng Hong Kong, humingi ng tawad. Humingi siya ng tawad dahil isa siyang tunay na lalaki. Si Digong, may paninindigan. Si Digong, may malasakit. Si Digong, mahal talaga ang bayan, hindi puro sarili lang ang inaatupag. Kaya siya nanalo, kita mo? Hindi tanga ang mga Pilipino. Hindi na kami nauuto sa "tuwid na daan" na kagaguhan ninyo. Kaya ngayon, mataas ang tingin ng mundo sa Pilipinas. May respeto ang buong mundo sa Pilipinas. At mas lalo pang tataas ang respeto na 'yan. Tignan mo. Kapag napapatay na lahat ng mga putang inang drug addict, naitanggal lahat ng mga hinayupak na kurakot sa gobyerno, natapos 'yung mga flyover na binubulsa lang ng mga dilawan na 'yan, tataas ang respeto ng mundo sa Pilipinas.

Hindi namin maintindihan kung bakit kayo kumokontra. Makikinabang rin naman kayo sa ginagawa ni Digong. Mahal niya talaga ang Pilipinas! Hindi tulad ng putang inang Noynoy na 'yan, sarili lang iniisip, pagpapayaman lang ng tarantadong LP na 'yan ang iniisip. "Tuwid na daan." Gago! Kagaguhan! Makukulong rin siya. Makukulong silang lahat!

Pero 'di nga. Makikinabang rin naman kayo sa ginagawa ni Digong. And mind you, mas maraming ginagawa si Digong ngayon kaysa kay Noynoy sa buong anim na taon niya. Tapos gusto pa niya, extra six years? Ang gahaman. Hindi mo naiintindihan 'yun?

Intindihin mo 'to. Pagod na pagod na kami sa pagsira ng mga dilawan sa bayan. Nangungurakot, nag-aksaya, nambulsa... tignan mo ang MRT. Tignan mo ang trapik. Tignan mo ang NAIA, 'yung lintik na laglag-bala na 'yan. Tama ba 'yan? Tignan mo yung pang-aaway nila sa bansang gusto lang tayong tulungan. Tama ba 'yan? Gusto namin ng maginhawang buhay, at si Digong lang ang makakapagbigay niyan! Tignan mo ngayon. Hindi mataas ang bilihin. Makakauwi na ang mga OFW sa bansa. Maraming tinatayo para mawala 'yang trapik na 'yan. Bakit mo kokontrahin 'yan?

Tapos, lahat ng ginawa ni Digong, kontra ka. Putang ina. Lahat ng sabihin niya, masama. Ano naman ngayon kung nagmumura siya? Sino ka ba? Tinawag mo nga akong gago! Nagmumura ka rin! Sino ka para sabihing bawal magmura si Digong? Gago! Tumahimik ka! Wala ka sa lugar! Wala ka sa tama! Wala ka nang ginawa kundi pumuna, kundi kumontra, kundi magalit. Eh ano ba 'yang halik-halik na 'yan? Pinanood mo ba 'yung video? O binasa mo lang sa Rappler? Eh bias 'yang Rappler na 'yan, eh! Kontra kay Digong, Amerikano naman ang may-ari. Dapat ipakulong 'yang Ressa na 'yan.

Gusto naman nung babae yung kiss, eh! Bakit mo naman aayawan ang mahalikan ng presidente ng Pilipinas? Bakit mo naman aayawan ang mahalikan ng tunay na lalaki?

Saka sabi naman ni Roque, tanggap naman ng Pilipino 'yung ganung halik-halik. Bumebeso ka sa taong hindi mo kilala. Bakit hindi puwedeng gawin ni Digong? Galit ka kasi kay Digong. Hindi mo matanggap na si Digong na ang presidente. Gusto mo, 'yung putang inang Noynoy na 'yan. Tanga ka rin ano? Gago! Hindi kita maintindihan! Sabi mo mahal mo ang bayan pero 'yung kultura ng bayan, hindi mo tanggap? Mahal mo ba talaga ang Pilipinas? Pilipino ka ba?

Ganito. Ang tunay na Pilipino, sumusuporta sa presidente kahit ano ang gawin. Alam namin na ang gusto lang ni Digong ay umunlad ang bayan. Mahal rin namin ang Pilipinas, kaya gagawin namin ang lahat matanggal ang lahat ng pipigil sa kanya. Ipinakulong na namin si de Lima. Ipakukulong namin si Sereno. Si Trillanes. Si Drilon. Si Kiko. Ipakukulong namin si Noynoy, pati si Leni. Kung may gawin kang masama, malay mo, ipakulong ka rin namin. Para sa bayan. Para kay Digong.


I've been advised to put a disclaimer here. In case it hasn't been clear from my many years of writing about politics, I am critical of any government by default; I disagree with much of what Duterte is doing, but am watching out for some others which I think will do good. I'd like to think I did the same thing with Noynoy. This is a writing exercise gone wrong. But then again, with this state of discourse, what is right and what is wrong?

And your responses...

Post a Comment